Limang taon na kong nag-aaral sa UP. 1 taon sa LB, 4 na taon sa Diliman. At higit sa mga bagay na pwedeng matutunan sa loob ng silid-aralan, sobrang dami rin ang pwede mong matutunan sa labas nito. Heto na yun! Para sa mga kasalukuyang nag-aaral, mag-aaral, at gusto mag-aral sa UP! Lessons From UP by Bogart the Exploder.

1. Di mo kailangan ng P.E. uniform. Believe me. Nakagraduate ako with 5 P.E. subjects pero never ako bumili ng P.E. uniform. Haha. Plain white shirt can do the job.

2. Madami kang magiging kaibigan sa mga GE subjs. Pero as time progress, mawawala na lang yung spark ng friendship nyo. Pag magkakasalubong kayo sa C Park, o kaya naman sa Freshie walk, hindi man lang kayo magpapansinan. That is sad. So word of caution, Keep in Touch!

3. Kanila Ate Mharj mo matitikman ang pinakamasarap na kalabasa sa mundo!

4. Hindi pa ako nakakapagdecide kung ano ba talaga ang mas masarap, ang Papu’s siomai ba o ang ISKOmai? 

5. Maraming beses ka pwede mangopya. Pero. PERO. Wag na wag mong gagawin. Kahit na homeworks yan. Wag. Alam kong ayaw mo din at kaya mong maging excellent dahil UP student ka!

6. Maraming tutorial services ang pwede mong pagkakitaan. Doon ako sa may Study Buddy sa may Maginhawa. At may bonus pa, dito mo makikita ang magandang pag-lubog ng araw. :)

7. Wag kang ma-stress sa 7 am class mo, kapag SM North ang sakay mo, makikita mo sa foot bridge ang pinakamagandang pag sikat ng araw sa umaga. :)

8. Masaya mag Campus Tour (LB Term) / Freshie Tour (Diliman Term). Hindi sayang ang isang araw ng paglalakad sa buong campus kasama ang mga upper classmen. Malay mo may kilala kang cute. #sparks

9. Maraming bisyo kang maeencounter sa college. Una na dyan ang pag-tulog. :) HAHA. Biro lang. Syempre nandyan ang yosi, alak, at iba pa na panget mabasa sa blog ko kaya di ko na babanggitin. Kung kaya maiwasan, iwasan.

10. Culture shock. Magugulat ka na lang kasi sobrang malaya na ang mga tao sa panahon ngayon. Walang basagan ng trip. Kung di ka nila pinapakielaman wag mo silang pakielaman. At wag na wag kang manghuhusga ng ibang tao sa panlabas na itsura.

11. Magandang gawin ito: Do at least one good deed araw araw. Halimbawa, may pulubing humingi ng last bite ng burger mo, ibigay mo na. :) Iwas fats na, nakapagpasaya ka pa ng araw ng isang tao.

12. Speaking of burger, sobrang sarap ng burger ni Bro! Dun sa may Long Island. Sa likod naman nun, sobrang sarap ng takoyaki!!!

13. Kahit mahal sa Chockiss, try mo kumain kahit isang beses. Sobrang worth it! Lalo na kapag kasama mo ang pinakamahahalagang tao sa buhay mo.

14. Sobrang daming magaganda at pogi sa UP! Pero tandaan mo, ayon sa survey, 9 out of 10 people prefer a partner who has a big sense of humor and don’t care about the looks. :) Wag mawalan ng pag-asa. Sa paningin  din naman ni Lord, lahat tayo magaganda at pogi.

15. Take time to jog sa acad oval o kung taga LB ka, sa freedom park.

16. Wala pa rin tatalo sa vega arcade sa LB. Dota magdamag pa!

17. Nakakabastos sa isang Prof pag natutulog ang isang student. As much as possible, wag matulog. Pwera na lang kung di talaga maiwasan, upo ka sa likod ng klase. Safe haven yun para sa mga antukin tulad ko.

18. Sitting in front of the class is always a privilege. Make the most of it. You are always ahead for sure.

19. Utang na loob, bawal umihi sa Freshie Walk. HAHA. Pero kung di na maiwasan, may malaking puno sa banda ng Engg. Kanya kanya ng diskarte!

20. Worth it ang pagpunta sa IRRI. Sobrang ganda. Para kang nasa ibang bansa na sobra ang pagpapahalaga sa agrikultura.

21. Mainstream ang buko pie na Collete’s. Try mo dun sa Orient’s ata yun. Basta madalas nag-sstop over dun ang bus. Dun ka na bumili!

22. Di ako nakapunta sa SM Calamba kahit isang beses. :( Di ko tuloy sya majudge. Pero Robinson’s pa rin! <3

23. Believe me, mahirap makabisado ang TriNoMa at SM North. HAHA. It will take you at least 1 year para makabisado every little place in it.

 24. Be friendly sa mga guards, janitors, caf people and other employees ng UP aside from instructors. They all have a wonderful story to tell.

25. Sa dating Engg Caf mo matitikman ang pinakamasarap na mouth watering turon with cheese UNL. Nakakamiss. T__T

26. Sa Engg Caf ngayon ka lang makakakain ng skyflakes worth 10php. HAHA. Kahit overpriced, do not hate. They have their reasons. :) Masarap naman yung chicken na may white sauce! <3

27. Wag kang mahiyang magtanong sa class kapag hindi mo nagets ang lesson. Marami kang classmate ang nagpapanggap lang na nagets nila ang sagot kapag pinalitan mo ng y ang x sa equation ng ellipse.

28. Agapito is the name. Powerpuff is the second name. Math Building is the dungeon.

29. May mga Profs na trip lang talaga ang mambagsak. Do not take grudge kung mabiktima ka. Hindi mo naman alam ang pinagdadaanan nila. What matters is how you stand up. Basta always do your best!

30. May mga Profs na trip lang talaga ang magbigay ng uno at high grades. Do not take for granted. They are the angels in UP. HAHA.

31. Join an org. They will be your second family. Swear.

32. Mag UP Fair ka! As in tapusin mo ang isang buong gabi hanggang madaling araw. Sobrang saya ng experience. It is worth it lalo na kapag kasama mo mga friends mo!

33. Do not forget to pray. Ask for guidance to God, to any other god, divine creature, the universe or anyone that you’ll be needing wisdom and knowledge. Pray hard!   

34. Sobrang daming Campus Ministers at mga taong nagpapahalaga at nagsha-share ng faith nila sa UP. May bigla na lang lalapit sayo at magtatanong ng stuffs about this Jesus. Take time to listen. Believe me. Kahit isang beses lang, it matters.

35. Sobrang daming tao ang makikilala mo sa itatagal mo sa UP. Lahat may iba-ibang kwento. Lahat may iba-ibang pangarap. May mga magugustuhan ka. May mga aayawan ka. Pero pag nakilala mo na yung mga taong bubuo ng mga araw mo, yung tipong magjojoke sayo, kakanta para sayo, makiki kulit sayo, makikiiyak sayo, makiki celebrate sayo, makikilaro sayo, makikigulong sayo, makikiparty sayo, makikiaral sayo at higit sa lahat tatanggapin ang pagkatao mo sa kabila ng mga imperfections mo, wag na wag mo silang papakawalan. Sila ang iyong mga tunay na kaibigan. They are the most beautiful and wonderful people God created just for you.  Kung wala sila, believe me, hindi mo kakayanin. :)

36. Lastly, in your graduating years. Thank God or again any god or the whole universe there is that you finally got there.  Thank anyone, your parents, family, advisers, profs, instructors, friends, frenemies even though it’s been a very long and difficult road for the lessons will always be there. The Lessons From UP will always be with you..  

THIS BLOG IS TO ALL THE PEOPLE WHO TEACH ME HOW TO LIVE. I LOVE YOU ALL. :)